Isang Maikling Kasaysayan ng Balagtasan
Bago pa man mauso ang Balagtasan sa kapuluan ng Pilipinas, unang pumatok sa nakararami ang Karagatan at Duplo [1]. Ang Karagatan ayon kay Julian C. Balmaseda ay isang katutubong laro kung saan ay nagpapaligsahan ang mga kalahok sa panunula [1]. Halos katulad din ng Balagtasan ang pagdaraos ng Karagatan at Duplo ngunit karaniwang idinaraos ang nahuling dalawa sa mga lamay at kadalasang walang paksang tinutungo [1].
Isinilang naman ang Balagtasan noong Abril 2, 1924, kaarawan ni Francisco Balagtas na siyang pinagsundan ng pangalan ng Balagtasan [1]. Marso 28, 1924, nagpulong sa Instituto de Mujeres sa Tayuman, Tondo, Maynila ang Akademya ng Wikang Tagalog kaugnay sa gaganaping pagdiriwang ng kaarawan ni Francisco Balagtas [1]. Kabilang sa mga dumalo ang mga makata at manunulat na sina Lope K, Santos, Iñigo Ed. Regalado, Patricio A. Dionisio, Teodoro E. Gener, Jose N. Sevilla, Jose Corazon de Jesus at Florentino Collantes [2].
Sa pulong, iminungkahi ni Lope K. Santos na magsagawa ng isang makabagong Duplo nang maging katangi-tangi ang gagawing parangal kay Franciso Balagtas [2]. Ngunit pinuna naman ito ng karamihan sa mga nagsipagdalo sapagkat walang paksang tinutungo ang isang Duplo [2]. Kung kaya ay iminungkahi ni Patricio A. Dionisio na hanguin ang pangalan ng ipampapalit sa Duplo mula kay Balagtas [2]. Bagaman si Dionisio ang nagmungkahi nito, kay Jose N. Sevilla napunta ang karangalan sa pagpapangalan sa makabagong Duplong ito bilang Balagtasan [2].
Ang Abril 2, 19241 ay tumapat ng Miyerkules kung kaya ay idinaos ang pagdiriwang ng Abril 6, 1924, Linggo, upang maraming tao ang makadalo [2]. Tatlong pangkat ang lumahok sa Balagtasan [2]. Ang unang pangkat ay binuo nina Rafael Olay at Tomas L. De Jesus [2]. Ang ikalawang binubuo nina Amado V. Hernandez at Guillermo A. Holandez ay nag-Balagtasan sa paksang “Binatang Nayon laban sa Binatang Lungsod” [2]. Ang ikatlong pangkat namang binubuo nina Jose Corazon de Jesus at Florentino T. Collantes ay tumalakay sa “Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan”[2].
Simula noon ay naging tanggap na ng Pilipino ang Balagtasan bilang isang karaniwan nang libangan. Nagsimula itong itanghal sa mga bulwagan hanggang sa mapakinggan sa radyo [1]. Ngayon, ang sining ng Balagtasan ay buhay na lamang sa mga talakayan at aklat-pangkasaysayan sa mga silid-aralan, hindi na sa mga bulwagan at paligsahan.
[1] Libiran, Pablo Reyna. Balagtasan Noon at Ngayon. Mandaluyong: Cacho Hermanos, Inc., 1985.
[2] Zafra, Galileo S. Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 2007.