BLOGTASAng makata sa hanggahan ng panahon ng nakalimbag at panahon ng naka-blog; si BLOGTAS ay kasalukuyang nag-aaral ng Pilosopiya sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Bukod sa pagiging makata, si BLOGTAS din ay masigasig sa pagtatala ng kaniyang pang-araw-araw na karanasan at paglalakbay-isip sa kaniyang personal na blog. Sa kaunting karanasan niya sa pag-arte sa paaralan, mistulang napamahal na sa kaniya ang sining at disiplina ng teatro at ang wikang ginagamit dito. Bukod dito'y babad din siya sa mga usapin hinggil sa kasalukuyang kalagayan ng ating Pambansang Wika at ilan sa mga siluranin sa mga gumagamit nito.
|