FRANCIS MARX Isang pagpupugay sa dalawang kapita-pitagang mga pantas ng ika-20ng siglo ang sagisag ng katoto naming ito: si Francis Marx. Siya ay kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer ng Agham sa Pamamahalang-Pangnegosyo at Pagsisinop-Pansalapi (BS Business Administration and Accountancy) sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Isang masugid na tagapagtaguyod ng Sosyalistang pamamaraan ng pamamahala ang kaibigan naming si Francis Marx. Ang kaniyang mariing paninindigan sa pagkakapantay-pantay ay masasaksihan sa kaniyang nag-aalimpuyong mga talumpati at komentaryo.
|