"Para" o "Sa Tabi Lang Po"?
PALASIYADito sa websito, mababanaagan
Ang dalawang jipning magbabalibagan Kapuwa sakay ay kaisipang ekwal Ngunit isa lamang sa huli’y lalamang. Sa unang kornero, ang jipning “panig-sa”, Ang tsuper ay s’yang Salanging kasama. Sa kabilang dako, ang jipning “laban-sa” Kaibigang Blogtas ang siyang bibira. Ang balibagang ito ay pumapaksa sa Pagpapanatiling pagwika ng “para” Maging tradisyunal o maging libera’: ‘Yan ang mga panig na magsasagupa. Ngayon at handa na’ng kalsadang dihital Kung saan ideya’y magsasagupaan, Ano pa’ng hinihintay, ating simulan Ang karerang jipni, ang balibanggan. BLOGTASAlam mo, Salangin, ang dapat na gam-tin
Ay hindi po “Para”, “Sa tabi lang”, sab-hin “Para” ma’y palasak, ‘di dapat tangk’likin ‘Pagkat ang salita ay dapat angkinin. Ang salitang “Para”, mula sa Espanyol At ikaw, Salangin, Makapiling Pinoy, Umalis ka rito at doo’y tumuntong Sa reynong Espanya nang “Para”’y matunton. BLOGTASKung kukuwestyunin ang hindi pagtanggap
Sa mga salitang “Para” ang katulad Kuwestyunin na rin ang mga naganap Na himagsikan no’ng Espanya’ng tinadtad. ‘Pagkat ang lehikon ay s’ya ring kultura, Bakit tatanggapin, kultura ng iba? Ang “Sa Tabi Lang Po”, mas maingat ka pa Dahil bago babâ, itatabi muna. PALASIYANgayon ay tapos na at inyong narinig
Ang banggaan ng dalawang jipning astig, May natatanging punto at pagkahilig, 'Di papahuli sa anumang ihagis Ng kabilang panig, ng kabilabagan. Ngayo'y panahon na upang parangalan, Ang jipining nanguna sa buong labanan, Si Salangin o si Blogtas? Sadyang aywan! Inyong narinig at ngayon ay tapos na, Tabla sila sa sining ng argumenta! Kaya't ang desisyon, sumainyo nawa, Kayo ang may hawak ng huling salita! |
SALANGINMaraming salamat, katotong Palasiya,
Sisimulan ko na ang pag-arangkada. Iisang dahilan at dapat na “Para” Ang ginagamit sa tuwina ng madla. Una sa lahat ang dila ng sangmadla Ang s’yang dapat maging laging unang-una: Iilan na lang ba, patunayan mo nga, Blogtas, ang magpapatabi (po) sa jip, ha? SALANGINAy! Blogtas, ano ba’ng masama sa “Para”?
Alerhiko ka ba sa impluwens’ya Ng dayuhan o dili kaya’y banyaga? Liberalismo ang sa iyong bakuna. Bakit pipigilan ang pag-asimila Ng mga salitang katulad ng “Para”? Kumbaga sa yamang materyal at pera, Bakit tatanggihan, dagdag na biyaya? SALANGINKatoto, iyo sanang maunawaang
Hindi pang-aaglahi’t paglapastangan Sa kalayaang pamana at makamtan Yaring isinusulong kong kagustuhan "Para" ay isa lamang pagrekognisa Sa kumong paggamit, sa dila ng madla Kagustuhan niya, sa sarili niya Ang lalong importante at mahalaga |