PALASIYAIsang pagbubunyi sa lohika at panunuyâ sa mga pahayag na walang basehan itong sagisag ng aming katoto: PALASIYA. Siya ay kasalukuyang kumukuha ng Batsilyer ng Artes sa Humanidades sa Pamantasan ng Ateneo de Manila. Bukod sa pagiging aktibong tagapagtaguyod ng teatro at sining-pantanghalan, isa rin siyang masigasig na pinunong mag-aaral sa mataas na paaralan. Isang karismatiko’t nag-aalab na mananalumpati at tagapagsalita sa tunay na buhay; mahihirapan ang sinumang babangga’t magtatangkang bumalibag sa mga opinyon ng katoto naming ito.
|