SALANGINAng balibagerong umuungkat ng mga ‘di dapat ungkatin, gumagalaw ng ‘di dapat galawin, kumukutkot ng ‘di dapat kutkutin; si SALANGIN ay kumukuha ngayon ng kursong Linggwistika sa Unibersidad ng Pilipinas, Diliman. Bukod sa pagkahumaling sa iba’t ibang genre ng panitikang Filipino, nakapagsusulat din siya ng sarili niyang mga katha sa kaniyang bakanteng oras. Isa ring gitarista sa ilang mga kombo, si SALANGIN ay naniniwalang ang musika ay mainam na behikulo para sa mga ideyang nakadudulot ng pagbabago sa ating kasalukuyang lipunan.
|